Huwebes, Nobyembre 28, 2013

LOVE AND MARRIAGE..

student asks a teacher, “What is love?”
The teacher said, “in order to answer your question, go to the wheat field and choose the biggest wheat and
come back.
But the rule is: you can go through them only once and cannot turn back to pick.”
The student went to the field, go thru first row, he saw one big wheat, but he wonders… may be there is a
bigger one later.
Then he saw another bigger one… But may be there is an even bigger one waiting for him.
Later, when he finished more than half of the wheat field, he start to realize that the wheat is not as big as the
previous one he saw, he know he has missed the biggest one, and he regretted.
So, he ended up went back to the teacher with empty hand.
The teacher told him, “this is love… You keep looking for a better one, but when later you realise, you have
already miss the person…”
“What is marriage then?” the student asked.
The teacher said, “in order to answer your question, go to the corn field and choose the biggest corn and
come back. But the rule is: you can go through them only once and cannot turn back to pick.”
The student went to the corn field, this time he is careful not to repeat the previous mistake, when he reach
the middle of the field, he has picked one medium corn that he feel satisfy, and come back to the teacher.
The teacher told him, “This time you bring back a corn. You look for one that is just nice, and you have faith
and believe this is the best one you get… This is marriage.”
(http://i-facts.info/your-feet-tell-the-story-of-your-life)

Biyernes, Nobyembre 22, 2013

LIHAM SA INANG BAYAN..

Saksi ako sa pagsubok na dumating sa iyo Inang bayan. Nakita ko kung paano wasakin ng delubyo ang iyong mga tahanan, ang kanlungan ng iyong mga mahal sa buhay. Nakita ko rin kung paano hambalusin ng hangin at tangayin  ng nagngangalit na alon ang iyong kabuhayan,ang iyong mga ikinabubuhay. 
Takot at pangamba ang bumabalot sa puso mo sa mga panahong hinahagupit ng hangin ang iyong mga anak
bayan. May ilan na tinangay ng agos ng tubig, tinamaan ng lumilipad na mga gamit, nadaganan ng mga bumagsak na bahay at puno, namatay kasama ng kaniyang pamilya. At sa pagsapit ng dilim sa unang gabi pagkatapos ng hagupit ng halimaw na delubyo, di pa rin humuhupa ang iyong takot dahil sa pagkakawalay mo sa ilan sa mga mahal mo sa buhay. Kalunos lunos na larawan ang tumambad sa iyo sa sumunod na araw. Ang dating paligid na puno ng ligaya at pag-asa ay napawi ng kagibal gimbal na katotohanan na ang bayan mong pinakamamahal ay nakalugmok sa takot at kawalang pag-asa.

Nagkalat kung saan sann ang mga  di pinalad na mabuhay...mga nakalutang sa dagat, mga inanod sa dalampasigan, mga naipit sa sarili nilang bahay, bata, matanda, mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, walang itinangi ang halimaw na lumusob at kumitil ng maraming buhay,mga bahay at ikinabubuhay.

Nawalan ka ng kaibigan, nalagasan ka ng mahal sa buhay, nawalan ka ng ama, ng ina, ng asawa, ng kapatid, ng kamag-anak. At sa paglipas ng araw tila nawawalan ka na rin ng dignidad at pag-asa na bumangon at muling harapin ang isang walang katiyakang bukas sa bayan mong pinakamamahal.
Ang bawat patak ng luha, ang bawat sigaw ng kawalan at paghahanap, ang bawat daing ng gutom at uhaw ng iyong mga anak ay naririnig ko. Ang bawat lamig ng hangin na dumadampi sa basa mong katawan na nanlilimahid habang kumakalam ang sikmura ay aking nababatid. Halong lungkot dahil sa kawalan ng mahal sa buhay, takot at gutom dahil walang makain at maisapin sa katawang pinahina ng isang gabi at isang araw na pakikipagsapalaran para mabuhay.

Saan at paano ka magsisimula? Saan ka patutungo Inang bayan? Nasaan na ang iyong dangal? Sino ang tutulong sa iyo? Sino ang lalapitan mo? Marahil ilan lamang ito sa mga tanong na pumapasok sa isip mo.
Wala ako sa tabi mo ng mga sandaling iyon, pero di ko alam kung bakit ganun na lang ang pagkabagabag ko habang dahan dahang lumalapit ang halimaw na Yolanda sa lugar ng mga anak mo. Na tila ba naririig ko ang bawat pintig ng iyong puso at ang bawat kaba at pagkabalisa. Mula sa malayo, inuusal ko ang dalangin. Malayo ako sa iyong piling pero ako may anak mo rin na nag-aalala sa kanyang mga nakababata at nakatatandang kapatid.

Di ko mahanap ang tamang salitang dapat bigkasin ng aking mga labi, tanging patak ng luha at mahinang pagtangis ang aking naiusal sa harap ng aking Maykapal.  Pagkatapos ng dalanging ito, isang maliwanag na pangitain ang aking nakita mula sa ating Ama ng may akda ng lahat ng bagay at pangyayari sa mundo.
Ibabangon kita Pilipinanas. Tatawagin ko ang iyong mga kapatid mula sa iba’t-ibang bayan at bansa, iba’t-ibang kulay at propesyon, ibat-ibang relihiyon at paniniwala. Bubuklurin ko sila sa diwa ng PAGKAKAISA at PAGDADAMAYAN. Muli kang babangon. Di kita iiwang nakalugmok. Papalitan ko ng ngiti ang bawat luha. Iaangat ko ang dangal ng isang PILIPINO.
Magtatayo tayo ng bagong bahay na disente para sa bawat nasalanta, ang lupa ay muling bubungkalin para sa mga bagong pananim. Magiging masagani ang bawat ani. Muli kong bubuhayin ang komersyo, ang pangisdaan at ang agrikultura, maging ang tourismo. Ang bawat mapait na lalaala ay papalitan ko ng isang magandang simula hanggang sa tuluyang maalis ang dating takot at mga pangamba. Ang bawat bayan na maglalaan ng tulong ay aking pagpapalain, ang bawat pamilya at indibidwal na di nagkait ng tulong ay aking pagpapalain din. Ang bawat kompanya na naghatid ng tulong sa ibat-ibang kaparaanan ay aking kikilalanin. Bawat isa  ay may nakalaang gantimpala ayon sa sukat ng kanilang kaloob at ayon sa intension ng kani kanilang mga puso. Wala sa laki o dami ang basihan ng aking gantimpala kundi sa intensyon at tunay na pagmamalasakit


Mangingibabaw ang pagmamahalan at pagtutulungan. Tatawirin natin ang landas na madilim patungo sa isang landas na maliwanag at mapayapa. Kakatok ako sa puso ng maraming tao. Bubuhos ang masaganang pagpapala. Di mabilang na tulong ay patuloy na aagos hanggang sa tuluyan kang makabangon. Iaangat kong muli ang iyong dangal, lalakad kang muli na taas noo, at sasabihin mo na KARANGALAN KO ANG MAGING ISANG PILIPINO. Ang madilim na nakaraan ay tila magiging isang ala-ala na lang. Ang bawat bansa, ang bawat indibidwal, ang bawat mamamayan ay magiging isa sa oras ng pagdadamayan. At kahit saang dako, ang DIWANG ITO NG PAGMAMAHALAN AT PAGDADAMAYAN ang magiging sandata nyo sa anumag pagsubok na kakaharapin ng ating INANG BAYAN.


(Quya Meng 11232013 12:45pm)